Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na hindi sila mag-eendorso ng COVID-19 vaccine na hindi ligtas at epektibo.
Kasunod ito ng tila pag-uunahan ng mga bansa para makagawa na ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang pagmamadali na makagawa ng bakuna ay magreresulta ng mababang standard ng bakuna.
Sa ilalim kasi ng normal procedure, aabot sa ilang buwan o taon ang gagawing test administrator para maberipika na ang bakuna ay ligtas at epektibo.
Sa kasalukuyan, mahigit 30 bakuna na ang dumadaan sa human testing kung saan walo dito ang nasa Phase 3 trials na.
Facebook Comments