WHO, tiniyak na may sapat na COVID-19 vaccine ang ilalaan sa Pilipinas

Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na mababahagian ang Pilipinas ng sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19 kapag nadiskubre na ito.

Ito ay sa gitna ng ulat na naglagay na ng orders ang Estados Unidos at Europe para sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General, Health Undersecretary Eric Domingo, siniguro ng WHO na ang mga bansa ay magkakaroon ng ‘equitable distribution’ ng mga bakuna.


Mayroong inisyatibo ang WHO para magkaroon ng access ang lahat ng bansa sa bakuna.

Sa ngayon, mayroong 163 candidate vaccine ang sinusubok kuyng saan 140 ang nasa pre-clinical studies habang 23 ang nasa three-phase clinical trials.

Mayroong dalawang bakuna na ang nasa Phase 3 ng clinical trials kabilang ang mga binuo ng University of Oxford sa London at Sinovac Biotech Firm sa China.

Kinumpirma rin ng FDA na inaprubahan na nila ang clinical trial ng anti-flu drug na Avigan.

Facebook Comments