“Whole of nation approach” sa paglaban sa fake news, hiniling ng isang senador

Nanawagan si Senator Christopher Bong Go sa gobyerno ng “whole of nation approach” para labanan ang fake news sa bansa.

Kaugnay na rin ito ng survey ng Pulse Asia kung saan 86% ng mga Filipino adults ay naniniwalang problema sa bansa ang fake news.

Apela ni Go na maglunsad na ang pamahalaan ng “whole of nation approach” sa paglaban sa fake news na hindi naman napipigilan ang “freedom of speech at expression” ng mga Pilipino.


Hiling ni Go na matuldukan na ang pagpapakalat ng mga pekeng balita na nakakasira at nakakasakit lang sa kapwa at sa halip na solusyon ay mas lalo lamang ito nakadaragdag sa problema.

Nagpaalala naman si Go sa publiko na kaakibat ng demokrasya at kalayaan sa pamamahayag ay ang responsibilidad ng bawat isa sa mga impormasyong ipapakalat.

Hinikayat din nito ang mga mamamayan na makiisa sa paglaban sa fake news dahil ang pagpapakalat nito ay “unfair” para sa mga indibidwal na ang nais ay mamuhay ng tahimik.

Facebook Comments