Pansamatalang ipinasara ng LGU Datu Abdullah Sangki, Maguindanao ang Del Monte- Delinanas Development Corporation matapos makitaan ng mga kontrobersiya at namamayaning tension sa plantasyon.
Inilabas ang closure order matapos ang isinagawang Municipal Peac and Order Council Meeting kahapon na pinangunahan ni Mayor Bai Mariam Sanki Mangudadatu, kasama sina Maguindanao PNP PD SSupt Agustin Tello, Col. Lauro Oliveros ng 1st Mech Battalion, DAS MPS, mga barangay officials, land owners at mga opisyales ng Delinanas- Del Monte.
Lumalabas sa pagpupulong na may namunuong tension sa plantasyon bunsod sa serye ng mga mararahas na insidente laban sa plantasyon na kinabibilangan ng magkakasunod na pamumutol ng puno ng saging, pambubulabog ng mga armado matapos paputukan , pasabugan at atakehin ang plantasyon . Sinunog pa ng mga ito ang isa sa mga packing center at tinagka rin sunugin ang mga vehicles ng kompanya. Sinaktan pa ng mga ito ang ilang Sekyu laban pa sa tinangayan ng mga kagamitan ayon report ng DAS PNP.
Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung sinu ang nasa likod ng insidente kasabay ng paghihigpit sa lugar.
Kaugnay nito kinukwestyon ng LGU DAS ang mga anomalya na di umanoy kinasasangkutan ng kompanya kabilang na ang di pagkuha ng business permits, building permits, pagbayad ng tamang buwis at pagbayad ng kompanya ng renta sa mga land owners. Sinasabing nasa 584 Hectars ang nirerentahan ng Delinanas sa Brgy Tukanologong at Maranding . Nagkakahalaga ng P 13, 000 ang bawat hektaryang inuupahan ng kompanya.
Inirereklamo naman ngayon ng Land Owners ang di pagtupad sa pangako ng Delinanas. Apat na taon silang di nababayan sa renta sa Lupa giit pa ng mga ito. Agad ring dumistansya ang mga ito na may kinalaman sila sa pambubulabog sa plantasyon.
Nangako naman ang Delinanas na agad na aaksyunan ang kontrobersiya.
Ito na ang ikalawang pagkakaton na isinara ang plantasyon bunsod sa mga kontrobersiya. Hindi pa batid kung kelan muli itong bubuksan. Ang Delinanas sa DAS ay may trabahanteng di bababa sa isang libo katao. Ang Delinanas ay supplier ng Cavendish Banana.