WILDFIRE | Isang Pinoy nawalan ng tahanan sa California

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maging ang ating kababayan ay hindi nakaligtas sa nagpapatuloy na wildfire sa California.

Sa ulat ni Philippine Consulate General in San Francisco Henry Bensurto sa DFA isang kababayan natin sa Butte County ang nawalan ng tahanan.

Pero maswerteng walang Filipino casualties sa nagpapatuloy na camp fire.


Samantala sa ulat naman ni Consul General in Los Angeles Adel Angelito Cruz na wala ding Filipino casualties sa Woolsey fire.

Sa ngayon sumampa na sa higit 70 ang nasawi dahil sa serye ng wildfire sa California kung saan 1,000 pa ang nawawala.

Sa pinakahuling datos ng DFA mayroong tinatayang 2,500 members ng Filipino community sa Butte County sa San Francisco at 25,879 Filipinos naman sa Ventura County, Los Angeles.

Binansagan nang ‘deadliest wildfire’ ang nangyayaring sunog ngayon sa California.

Facebook Comments