California, USA – Inaasahang lalong mahihirapan ang mga bumbero na tuluyang masawata ang tatlong forest fire na rumaragasa ngayon sa Northern at Southern California, USA.
Paparating kasi sa lugar ang malalakas na hangin na lalong magpapaliyab sa mga sunog na ilang araw nang problema ng mga otoridad.
Umaabot na sa 25 ang nasawi sa mga sunog habang may 110 iba pa ang nawawala. Anim naman na mga bumbero ang nasaktan sa pag-apula sa mga sunog.
Dahil dito mahigit 300,000 residente na ang inililikas mula sa kanilang mga tahanan. Karamihan sa mga ito ay nasa Los Angeles County.
Binalaan na rin ng mga otoridad ang mga residente na nasa mga mandatory evacuation zone na lumikas na habang may panahon pa.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>