British Columbia – Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kalagayan ng ating mga kababayan sa Vancouver, British Columbia dahil sa pagkalat ng wildfire.
Ayon sa DFA ang ating Philippine Consulate General sa Vancouver ay kasalukuyang tinitignan at mino-monitor ang sitwasyon ng 15,000 myembro ng Filipino community.
Sinabi naman ni Consul General Maria Andrelita Austria, sa ngayon ay walang Pinoy casualties pero ang nasabing wildfire ay nakaka apekto na sa ilang major highway dahilan para ito ay isara pansamantala sa mga motorist.
Nagpalabas narin ang health authority’s ng British Columbia ng Smoky Skies Bulletin kung saan pinapayuhan ang mga bata, nakatatanda at mga hirap sa paghinga na manatili muna sa loob ng kani-kanilang mga tahanan
Sa ngayon, nagsasagawa na ang ating embahada ng consular outreach upang mabatid kung mayruong Pinoy na naapektuhan ng wildfire.
Maliban sa Vancouver British Columbia, nakapagtala din ng wildfire sa Okanagan Valley sa Southern British Columbia.