WILDFIRE SA CALIFORNIA | 25% ng nasusunog, kontrolado na

California – Mga nasunog na gusali, bagay at iba pang istruktura umaabot na sa mahigit isang libo dahil sa mga wild fire sa California.

Sa kabila ng laki ng mga ito, unti-unting nakakabawi ang mga libu-libong bumberong nakikipaglaban sa anim na wild fire na kasalukuyang nanalasa sa Southern California sa Estados Unidos.

Sa ulat ng California Department of Forestry and Fire Protection o Cal Fire, dalawamput-limang porsiyento na ng mga wildfire ang kontrolado na.


Ang problema kasi, bukod sa mahangin at tuyot na klima, masaydong malaki ang apektadong lugar ng mga wildfire.

Kung pagsasamahin kasi ang mga nasusunog na lugar halos kasinglaki na nito ng New York City at ng Boston o mas malaki pa sa Singapore.

Dagdag pa ng Cal Fire, malaking tulong sana sa mga bumbero kung bubuhos ang ulan sa Southern California sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments