Wilkins Villanueva, itinalagang bagong PDEA chief matapos ma-relieved sa pwesto si Aaron Aquino

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang appointment letter ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noong May 22, 2020.

Papalitan ni Villanueva si Aaron Aquino na pinamunuan ang ahensya sa loob ng halos dalawang taon.


Nagpapasalamat si Villanueva kay Pangulong Duterte sa kaniyang tiwala at kumpiyansa na pamunuan ang giyera kontra droga.

Si Villanueva ang ika-pitong pinuno ng PDEA.

Paglilinaw ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon, hindi nagbitiw si Aquino kundi siya na-relieved sa pwesto.

Batid naman aniya na lahat na bahagi ng prerogative ng presidente na magkaroon ng galaw sa mga mahahalagang posisyon sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Samantala, nagpapasalamat si Aquino kay Pangulong Duterte sa pagkakataong pamunuan ang PDEA.

Pinasalamatan din ni Aquino ang mga tauhan ng ahensya sa pagbibigay ng suporta sa kaniyang pamumuno at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Facebook Comments