WINASAK | P11.8-milyong halaga ng mga nakumpiskang counterfeit products, sinira sa Camp Crame

Manila, Philippines – Nasa 11.8-milyong pisong halaga ng mga nakumpiskang counterfeit product ang sinira ng Inter-Agency Intellectual Property Task Force sa Camp Crame kaninang umaga.

Kabilang sa mga winasak ng otoridad ang mga mamahaling bag, sapatos, damit, mga pekeng gamot, vitamins, beauty products at mga pirated DVD.

Mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, nasa p6.7-billion na halaga ng mga counterfeit goods ang nasabat ng National Committee on Intellectual Property Right (NCIPR) sa pangunguna ng Intellectual Property Office of The Philippines na isang attached agency ng DTI.


Hindi pa kasama rito ang mga produktong nakumpiska ng BOC, Food and Drug Administration at Optical Media Board.

Gayunman, lumalabas na ang halaga ng nakumpiska ng NCIPR ay 80 percent na ng p8.2-billion na nakumpiska naman noong 2017.

Facebook Comments