TRICYCLE BAN | I-ACT, umapela sa mga LGU na ipatupad ang pagbabawal sa mga Tricycle sa National Road

Manila, Philippines – Umapela ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa mga LGU na istriktong ipatupad ang tricycle at pedicab ban sa mga national road.

Alinsunod na rin ito sa inilabas na memorandum ng DILG noong nakaraang taon.

Sabi ni I-ACT Spokesperson at LTFRB Board Member Aileen Lizada – mahigpit ding ipinagbabawal sa mga tricycle ang pagsasakay ng higit sa tatlong pasahero.


Sa Katipunan Avenue sa Quezon City, Bagama’t pinapayagan na ang pagdaan ng mga tricycle sa pinakagilid ng kalsada, may ilan pa ring nasita dahil sa overloading.

Facebook Comments