Pinayagan nang makapasok ang mga residente sa mga bayan ng Agoncillo sa Batangas.
Kasunod ito ng hiling ni Mayor Daniel Reyes kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas na mabigyan sila ng window hour.
Ala-una kanina nang payagang mabisita ng mga residente ang kanilang mga bahay at alagang hayop.
Tatagal ang window hour hanggang mamayang alas-5:00 ng hapon.
Pasado alas-11:00 ng umaga nang payagan na ring makapasok ang mga residente ng Laurel.
Pero paglilinaw ng mga otoridad, hindi sila pwedeng matulog sa loob.
Bawal pa ring pumasok sa tatlong barangay sa Laurel, Bugaan East, Buso-Buso at Gulod na pasok sa 7-kilometer danger zone.
Matatandaang ibinaba na ng PHIVOLCS sa 7-kilometer ang danger zone matapos na ibaba sa alert level 3 ang Bulkang Taal.
Binigyan na ng opsyon na makabalik sa kanilang mga tahanan ang 12 bayan sa Batangas maliban sa Agoncillo at Laurel habang naka-permanent lockdown ang volcano island.