WINTER OLYMPICS | Asa Miller, 70th placer sa alpine skiing event

Winter Olympics – Nagtapos sa ika-70 pwesto ang flag bearer at huling pambato ng Pilipinas sa 2018 Pyeongchang Winter Olympics na si Asa Miller.

Lumaban ang Fil-Am athlete sa Alpine Skiing Event, Linggo ng umaga.

Si Miller ang pinakabata sa 110 atletang lumaban sa Alpine Skiing Event.


Nasungkit naman ng Austrian athlete na si Marcel Hirscher ang gold medal, habang silver medalist si Henrik Kristoffersen ng Norway at broze medalist naman si Alexis Pinturault ng France.

Nauna nang lumabas para sa Men’s Skating Event isa pang pambato ng Pilipinas na si Michael Martinez pero bigong makapasok sa next round matapos na malaglag sa ika-28 pwesto.

Facebook Comments