Winwyn Marquez – dinepensahan ang napanalunang beauty title sa katatapos lang na Miss World Philippines

Showbiz – Dinepensahan ni Winwyn Marquez ang napanalunan niyang korona sa Miss World Philippines 2017.

Tila, minamaliit daw kasi ng ilang netizens ang Reina Hispanoamericana-Filipina title na nasungkit ni Winwyn.

Sa kanyang instagram post, sinabihan ni Winwyn ang netizens na magsagawa ng research tungkol sa nasabing beauty title at nanawagang maging open minded bago mag-critize nang sobra.


Ang Reina Hispanoamericana ay isang annual international beauty pageant na sinasalihan ng mga kandidatang may lahing espanyol.

Nagpapadala ng kandidata ang Pilipinas dahil na rin sa malaking impluwensya ng mga kastila sa Pilipinas sa ilalim ng pananakop nito sa loob ng 300 taon.

Sa kabila nito, proud na proud pa rin si Winwyn bilang kauna-unahang kinatawan ng Pilipinas sa international beauty pageant na lalabanan niya sa Bolivia.

Facebook Comments