WISH GRANTED | Scarlett Kramer, nakatanggap ng advance birthday greeting sa idol niyang South Korean superstar

Manila, Philippines – Agad na nag-viral at nasa 100,000 views na ang video ng pangalawang anak nina Cheska at Doug Kramer na si Scarlett kaugnay sa advance birthday gift nito na gusto niyang matanggap.

Kahit kasi na sa Nobyembre ang bithday ni Scarlett ay nag-racquet na ito ngayon na sana ay mag-perform sa kanyang birthday ang K-Pop superstar na si Bobby ng boy band na Ikon.

Ang video ay inapload sa Instagram ng kanyang mga magulang at nagpatulong sa kanilang fans para maihatid kay Bobby ang hiling ni Scarlett, kahit alam nilang imposible ito dahil hindi daw nila afford ang talent fee ni Bobby.


Makikita din sa video na umiiyak si Scarlett at sinasabing, “Bobby, can you please go to my birthday?”

Ilang sandali ay agad namang inapload ng K-pop superstar ang isang video sa Instagram kasama ang team mate na si DK na binabati kay Scarlet ng happy birthday.

Kinantahan pa si Scarlet ng k-pop star ng “In Da Club” ng 50 scent.

Nag-uumapaw naman ang kasiyahan ng team Kramer ng makita ang video ni Bobby.

Nagpasalamat sila sa South Korean superstar at kay DK pati na sa mga fans na tumulong sa kanila upang matupad ang wish ni Scarlett.

Facebook Comments