Ilocos Norte – Dito sa Pilipinas, kinatatakutan ang puno ng balete dahil sa paniniwalang bahay ito ng mga engkanto.
Pero alam niyo ba, isang puno ng balete sa Pasuquin, Ilocos Norte ang sa halip na katakutan at nagsisilbi pa ngayong tourist attraction sa lugar!
Ang puno na makikita sa Sitio Diriki sa Barangay Davila ay kilala ngayon sa tawag na “wishing tree.”
Kung sa wishing well ay naghahagis tayo ng barya matapos na mag-wish, sa puno ng balete, idinidikit naman sa mga sanga at ugat ang mga perang papel at barya.
Nagsimula raw itong maging wishing tree apat na buwan na ang nakalilipas nang isang balikbayan ang naglagay ng pera sa puno sa paniwalang may dala itong swerte.
Simula noon ay nakagawian na ng mga taong napapadaan sa lugar na magsabit ng pera sa naturang balete tree.
WISHING TREE | Puno ng balete sa Ilocos Norte, sinasabitan ng pera para humiling
Facebook Comments