Binuksan na ang Gender and Development Center sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.
Pinangunahan ang aktibidad ni DAS Mayor Bai Mariam Mangudadatu kasama ang mga opisyales ng bayan.
Ang pagbubukas ng GAD Center ay bilang pagsuporta ng LGU sa Women Empowerment at pagbibigay ng pagpapahalaga sa kakayanan ng mga kababaihan sa bayan ng DAS ayon pa kay Admin Officer Odjie Balayman.
Bukod sa pagbubukas ng GAD Center, binuksan na rin ang Public Terminal sa DAS. Magiging malaking tulong aniya ito di lamang para sa mga taga DAS maging sa mga kalapit bayan mula Maguindanao at Sultan Kudarat Province dagdag ni Admin Balayman.
Samantala matapos ang aktibidad sa Brgy. Talisawa, muling nagsagawa ng Municipal Peace and Order Council Meeting ang LGU.
Lumahok sa MPOC si Maguindanao Provincial PNP Director SSupt Ronald Briones kasama ang mga opisyales mula military, COP ng DAS Chief Inspector Alma Ladrer, Department Heads at mga opisyales ng bayan.
Kabilang sa napag-usapan sa pagpupulong ang mga inisyatiba para maipagpatuloy ang magandang peace and order sa DAS.