Taguig City – Inaasahan na tatalakayin bukas ang usapin ng terorismo, ilegal na droga at karapatan ng mga kababaihan kaugnay sa Women’s Month, kung saan ang guest of honor ng Southern Police District (SPD) sa flag raising bukas ay ang Barangay Chairman of Maharlika Village, Taguig City na si Bai Pangandaman na magbibigay ng talumpati at puntos hinggil sa women empowerment at paghawak ng pinakamalaking Muslim community sa Metro Manila ang Taguig City.
Ayon kay SPD District Director Chief Superintendent Thomas Apolinario, magandang opportunidad umano para sa PNP na makadaupang palad at mahigpit na coordination at cooperation sa Muslim Local Government official, lalung-lalo na sa mga areas of terrorism, illegal drugs, at iba pang areas of concern upang agad na matugunan ng pulisya ang kanilang mga problema.
Paliwanag ng opisyal na malaking maitutulong ang mga kapatid nating Muslim upang malaman kung sinu-sino sa kanilang lugar ang mga pinaghihinalaang mayroong kaugnayan sa mga teroristang grupo.
Una nang napaulat na nasa Metro Manila na umano ang grupong ISIS at Maute Group upang manghikayat na sumanib sa kanilang samahan at ipagpatuloy ang kanilang adhikain at ipinaglalaban.
Tiniyak naman ng SPD na sapat ang kanilang bilang at nagpakalat na rin sila ng mga intel upang mag-monitor ng mga galaw ng mga masasamang elemento ng lipunan.
WOMEN EMPOWERMENT | Terorismo, ilegal na droga at karapatan ng mga kababaihan, tatalakayin sa Taguig City
Facebook Comments