WEATHER DEVICE NA MAKAPAGPAPABILIS NG WEATHER UPDATE SA BINALONAN, ININSTALL

Para sa pagpapabilis ng weather update sa bayan ng Binalonan, in-install ang isang weather device sa pinakamataas na bahagi ng Municipal Hall nito bilang bahagi ng pangunahing hakbangin ng MDRRMC.
Naglalayon ang pag-install ng Weather Device na ito na palakasin pa ang lokal na kapasidad na bumuo at gumamit ng data ng klima tulad ng pag-ulan, temperatura, humidity, at pressure.
Sa pamamagitan rin nito ay magbibigay rin ito ng kakayahan sa munisipyo na makita at masubaybayan ang real-time na data ng panahon maging pagpapalakas ng mga sistema para sa maagang babala na nakasentro sa mga tao at maaaring mag-ambag sa database para sa agham ng klima.

Ang pag-install naman nito ay sa pangunguna ng Local Government Unit ng Binalonan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. |ifmnews
Facebook Comments