Women’s Olympic Tournament | Pilipinas wagi kontra Tajikistan

24

Naitala ng Philippine Women’s National Football Team ang ikalawa nitong panalo sa 2020 Women’s Olympic Tournament Asian Qualifiers matapos padapain ang host Tajikistan sa score na 3-1.

Ibinigay ni Shelah Cadag ang bentahe sa Pilipinas matapos maka-score sa 30th minute. Ito ang ikaapat na goal ni Cadag sa torneo matapos niyang umiskor ng hat trick kontra Singapore sa opening game.

Hindi naman nagpaiwan si Sarah Castañeda matapos umiskor ng brace sa 50th at 76th minute para sa final score tuluyang ilayo ang laro sa Tajikistan.

Naunang tinalo ng mga Pinay Footballer ang Singapore, 9-0.

Facebook Comments