Work arrangements sa Sandiganbayan sa ilalim ng Alert Level 2, inilatag

Inilatag ng Sandiganbayan ang “work arrangements” o “policy” nito na ipatutupad ngayong balik sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).

Sa Administrative Order na inilabas na pirmado ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, simula bukas, February 2, 2022 ang Office of the Presiding Justice, Chambers of the Associate Justices at iba pang opisina ay magbubukas na mula Lunes hanggang Biyernes, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Bagama’t “physically open” na ang mga tanggapan sa Sandiganbayan, mayroon lamang “skeleton staff” bilang pagsunod sa direktiba ng Presiding Justice at Associate Justices.


Ang lahat ng “skeleton staff” na papasok ay kinakailangang sumailalim muna sa antigen testing.

Mayroon ding opsyon na “work from home arrangement” basta’t makumpleto ang 40-oras na work week.

Ang lahat ng dibisyon ng Sandiganbayan ay pinapayuhan pa rin na i-maximize ang pagdaraos ng “video conferencing” para sa mga pagdinig, at iwasan na obligahin ang mga partido sa kaso para sa “in-court” maliban kung may “very urgent matters” na tutukuyin ng Division Chairperson.

Pinapayagan pa rin ang personal at electronic filing/service of pleading at iba pang court submissions, pero kailangang may koordinasyon sa kaukulang opisina sa Sandiganbayan.

Facebook Comments