Manila, Philippines – Nilagdaan n ani Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Telecommuting Act o ang Republic Act number 11165.
Pinahihintulutan ang ng nasabing batas ang pagkakaroon ng programa ng mga pribadong kumpanya na magoffer ng telecommuting program kung saan maaaring magtrabaho sa bahay ang mga empleyado.
Nakasaad sa batas na depende sa mapaguusapan ng mga employers at employess ang pagpapatupad nito basta susunod sa mga nakasaad sa labor law patungkol sa pagsweldo at sa oras ng pagtatrabaho.
Kailangan din na patas ang magiging pagtrato sa mga employers sa kanilang mga empleyado na nakapailalim sa telecommuting program.
Nilagdaan narin naman ni Pangulong Duterte ang Republic Act Number 11164 o ang pagtataas ng Monthly Old Age Pension para sa mga Senior Veterans.
Sakop nito ang mga beteranong nakipaglaban sa Wolrd War 2, Korean at Vietnam war.
Itataas sa 20 libong piso ang matatanggap na pensyon ng mga beterano kada buwan
Batay sa nasabing batas, huhugutin ang pondo nito sa Philippine Veterans Affairs Office.
Idineklara din namang Special Working Holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang huling Lunes ng Enero kada taon bilang paggunits sa National Bible Day sa bisa ng Republic Act Number 11163.
Ang tatlong batas na inilabas ng Malacañang ngayong araw ay pareparehong nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 20, 2018.