Work-from-home, panatilihin sa NCR -OCTA

Iminungkahi ng OCTA Research Group na panatilihin muna ang work-from-home arrangement sa gitna ng tumataas na bilang ng arawang kaso ng COVID-19.

Ayon kay David, mahirap kasing desisyunan kung itataas muli ang Alert Level 2 sa National Capital Region lalo’t nahaharap sa maraming problema ang ekonomiya ng bansa.

“Mahirap na decision ‘to kasi binabalanse natin yung public health at economy, syempre maraming nahihirapan ngayon, meron tayong inflation, tumaas ang bilihin… so, it’s not an easy decision kung itaas natin ang alert level kasi maraming maaapektuhan,” ani David.


“I think, kahit hindi tayo magtaas ng alert level baka meron tayong mga pwedeng gawin na makakatulong nang bahagya, isa rito yung work-from-home, kasi ang balita ibabalik na sila sa mga opisina nila. Baka pwedeng manatili muna ngayon yung work-from-home kasi malaki rin naming tulong sa mga kababayan natin kasi kapag work-from-home sila nakakatipid din sila sa pamasahe,” dagdag niya.

Facebook Comments