PNP AVIATION SECURITY, NAGHIGPIT SA CAUAYAN CITY AIRPORT

22
Cauayan City, Isabela- Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad sa bisinidad ng Cauayan City Airport sa lahat ng mga papasok at palabas ng lalawigan ng Isabela.

Ito ay makaraang magdoble ang schedule ng Domestic Flight ng Cebu Pacific sa loob ng isang linggo.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt. Julio Maribbay, Chief, PNP Aviation Security, kanilang tiniyak ang ligtas na biyahe ng mga pasahero.

Kailangan rin aniya na magdala ng valid ID na pagbabasehan ng pagkakakilanlan ng pasahero.

Aniya, mahigpit rin ang pagsusuri sa lahat ng mga bagahe ng pasahero para masiguro na maiiwasan ang pagdadala ng anumang ipinagbabawal gaya na lamang ng patalim, bala na anting-anting at iba pa.

Samantala, nagpapatuloy naman ang ginagawang Outreach Program ng kanilang hanay para sa mga piling benepisyaryo sa mga tutukuying lugar.

Facebook Comments