WORK LOAD | Mga kaso ng pagpapakamatay ng mga guro, pinapaimbestigahan

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Sonny Angara ang Senate Resolution Number 914 na nagsusulong ng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpapakamatay ng ilang pampublikong guro sa bansa.

Ayon kay Angara, maliban sa paghahayag ng pasasalamat sa mga guro ngayong World Teachers’ Day ay dapat ding makapalatag ng aksyon para maprotektahan ang physical, emotional at mental welfare ng mga guro.

Target ng pagdinig na mabusisi kung totoo na ang sobra sobra o hindi makatwirang dami ng trabaho ng mga guro ang dahilan ng pagpapatiwakal ng ilan sa mga ito.


Pinakahuling naitalang kaso ng suicide ay ang bagong guro sa La Paz, Leyte na nagbigti na nasundan ng isa pang guro sa Bacoor City, Cavite.

Tinukoy din ni Angara ang kakulangan ng registered guidance counselors sa mga pampublikong paaralan na maaring konsultahin ng mga guro kapag sila ay may problema.

Facebook Comments