Layon ng ARMM government na mapahusay ang kaligtasan at seguridad ng mga empleyado sa lahat ng tanggapan nito kaya naman kamakailan ay isinagawa ang “Workplace Security and Safety Forum” sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa loob ng ORG compound dito sa Cotabato City.
Ang forum ay inorganisa ng Records Division and Intelligence Security Services ng Office of the Regional Governor sa pakikipagtulungan ng ARMM Development Academy.
Nagbigay ng lectures hinggil sa principles and practices sa pagsiguro sa kaligtasan sa kanilang pinagtatrabahuhan ang Safety and security experts mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.
Tinalakay din sa naturang aktibidad ang Crime and Drug-Free Workplace, Safety and Security at Fire-Free Workplace.
Kabilang sa mga lumahok sa forum ang administrative heads, 5S focal persons, records officers, security personnel, IT focals, human resource management offices at supply officers mula sa line agencies sa rehiyon.(PHOTO CREDIT:BPIARMM)
Workplace Security and Safety Forum, dinaluhan ng mga empleyado ng ARMM!
Facebook Comments