Hinimok ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) na bigyan ng surplus ng COVID-19 vaccine ang Group of Seven (G7) countries na siyang mga maunlad na bansa.
Ayon kina WB President David Malpass at IMF Managing Director Kristalina Georgieva, makakatulong ito kung mabibigyang prayoridad ang mga bansang hirap sa access ng bakuna.
Naniniwala naman ang dalawang lider na matutugunan ng solusyon ang pagsugpo ng COVID-19 kung makikiisa ang mga G7 na bansa.
Sa ngayon, nakipag-ugnayan na rin ang WB at IMF sa World Health Organization (WHO) at World Trade Organization (WTO) upang makipagtulungan sa gagamiting tulong pinansyal.
Facebook Comments