
Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang World-Class Convention Center sa Navotas City.
Ang nasabing convention center ay unang isinagawa noon pang June 2020 na pinaglaanan ng higit P500 milyon.
Ang limang palapag na building ay may sukat na 8,584.50 square meters na kayang i-accomodate ang malalaking government events, sports competition, trade fairs, at iba pang cultural gatherings.
Bukod dito, mayroon din ang convention center boasts na multipurpose playing area, may seating capacity na 2,633, maluwag na lobby at reception area.
Maluwag din ang parking space nito kung saan lahat ng kwarto ay fully airconditioned kabilang ang mga locker rooms, cafeteria, security at administrative booths.
Nagpapasalamat at ipinagmamalaki naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang Navotas Convention Center na itinuturing na isa sa milestien ng “Build, Better, More” Program ng pamahalaan.









