CAUAYAN CITY – Nakiisa sa pagdiriwang ng World Day Against Trafficking ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) nito lamang ika-30 ng Hulyo sa Robinson’s Tuguegarao City.
Ayon kay Chairperson Prosecutor Carolyn Deray-Ramos, pokus ng kasalukuyang administrasyon ang 4P: Protection against traffickers, Prevention of Trafficking, Prosecution, at Partnership with other agencies.
Inilunsad ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang naturang aktibidad kung saan ay binibigyang-diin nito ang laban ng pamahalaan kontra human trafficking.
Isinagawa rin ang ribbon cutting ceremony ng Blue Corner at Help Desk, na magsisilbing himpilan ng mga reklamo at hinaing tungkol sa mga insidente ng human trafficking sa buong rehiyon.
Facebook Comments