Nakiisa ang ARMM sa selebrasyon ng World Hijab Day sa pamamagitan ng isinagawang forum na may temang ‘Hijab: Wearing Peace and Solidarity’.
Ginanap noong Miyerkules, February 1, 2018 ang forum sa Regional Women and Peace Training Center dito sa Cotabato city.
Sinabi ni Regional Commission on Bangsamoro Women-ARMM chairperson Sittie Jehanne Mutin, layon ng forum na patuloy na i-educate ang kababaihang Muslim hinggil sa pinagmulan at mga rason ng pagsusuot ng hijab.
Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “In Bangsamoro, We Can Do It, Too!”
Sa kanyang lecture, hinggil sa Islamic principles ng pagsusuot ng hijab ng Muslim women, binaggit ni Ustadz Guihan Batiting na ang pagsusuot ng hijab ay akto ng pagsamba bilang Muslim at ang pagsuot nito na may kasamang commitment at mga responsibilidad.
Mula noong 2015, ang ahensya ay aktibo nang lumalahok sa mga aktibidad na nagpapalaganap ng kamalayan at pagpapahalaga sa pagsusuot ng hijab bilang bahagi ng pananampalataya ng kababaihang Muslim.(photo credit:bpiarmm)
World Hijab Day, ipinagdiriwang sa ARMM!
Facebook Comments