WORLD JUNIOR BANTAMWEIGHT CLASH | Tapatang Jerwin Ancajas at Jonas Sultan, posibleng idaos sa California

Manila, Philippines – Inaantay na lamang ngayon ang desisyon ng top rank chief na si Bob Arum, para sa pinal na lugar kung saan idaraos ang World Junior Bantamweight Clash sa pagitan ng mga Filipino boxers na sina Jerwin Ancajas at ang challenger nitong si Jonas Sultan.

Ayon kay matchmaker Sean Gibbons, posibleng sa California maganap ang bakbakan dahil, ayon raw kay Bob Arum, ay nais niyang i-expose sa California si Ancajas.

Sangayon dito si Gibbons, dahil aniya ay malaki ang market sa California.


Dagdag pa ni Gibbons, posible ring sa Mayo pa o sa mga unang linggo ng Hunyo maganap ang laban ng dalawang Filipino boxer.

Facebook Comments