Aabot na sa $14.25 bilyon ang global fund para labanan ang AIDS o acquired immunodeficiency syndrome, tuberculosis at malaria.
Kasunod ito na ipinangako ng mga world leaders sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) sa Amerika na patuloy na popondohan ang mga programa upang malabanan ang mga nasabing nakamamatay na sakit.
Nangako si US President Joe Biden ng $6 billion pondo, habang maglalaan naman ang Geneva City sa Switzerland ng $18 billion.
Nangako rin si Malawi President Lazarus Chakwera ng $1 million para sa kaniyang bansa.
Habang, 715 million euros o $703.63 million ang ilalaan na pondo ni European Commission Chief Ursula von der Leyen.
Si French President Emmanuel Macron naman ay nangako rin ng 1.6 billion euros.
Maglalaan din ang mga bansang Nigeria ng $13.2 milyon; Netherlands ng 180 million euros; at Indonesia ng $15.5 million.
Ayon sa mga world leaders, ang nasabing pondo ay makakapagligtas ng mahigit 50 milyong buhay.
Inaasahan din anila na tataas pa ang pondo dahil sa mga paparating na donasyon.
Matatandaang, noong 2021 nasa 12% o katumbas ng 5.3 milyong indibidwal na lang ang ginagamot laban sa tuberculosis, kung saan mababa ito kumpara sa 5.5 milyon ng pre-pandemic.