Bilang ng OFWs na nabibiktima ng illegal recruitment sa Saudi Arabia, tumataas

45

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Riyadh na tumataas ang kaso ng illegal recruitment sa Filipino household service workers sa Saudi Arabia.

Dahil dito, muling nagpaalala ang Embahada sa publiko na maging maingat sa mga nangangako ng trabaho kapalit ng malaking bayad.

Pinapayuhan ang mga Pilipino na nagnanais na magpalit ng sponsor o trabaho na idaan ito sa tamang proseso.


Para sa tamang gabay at tulong, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy o sa Konsulada ng Pilipinas sa Saudi Arabia.

Facebook Comments