World leaders, Sinovac vaccines ang gamit – Galvez

33

Walang dapat ipangamba ang publiko sa Sinovac vaccines ng China dahil ang mga world leaders ay ito ang gamit na bakuna.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang Sinovac ay ligtas at mabisa at aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).


Binanggit ni Galvez ang pagpapabakuna nina Indonesian President Joko Widodo, Hong Kong Chief Executive Carrie Lam at Turkish President Tayyip Erdogan gamit ang Sinovac.

Handa si Galvez at ilang local officials na magpaturok ng Sinovac caccines.

Sa loob ng linggong ito, inaasahang maisasapinal ang delivery date ng 600,000 doses ng Sinovac.

Ang pamahalaan ay gagamit ng military aircraft para maipadala ang mga bakuna sa Pilipinas.



Facebook Comments