Mayor Sara, muling nanindigang hindi tatakbo sa 2022

119

Nanindigan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo sa 2022 National at Local Elections.

Hiling ni Mayor Sara sa kanyang mga tagasuporta, ihinto na ang pagkakabit ng poster na “Run Sara, Run!”


Panawagan pa ng alkalde na itigil na ang pagtitipon at pangangampanya sa kanya.

Aniya, walang tiyansang magbago pa ang kanyang isip dahil marami ang kanyang dahilan kung bakit ayaw niyang tumakbo.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Mayor Duterte sa mga nagtitiwala sa kanya.

Facebook Comments