WORLD NEWS | 3 sanggol, pinagsasaksak ng empleyado ng isang day care center

New York – Pinagsasaksak ng isang empleyado ng day care center sa New York ang dalawang babae at isang lalaking sanggol at dalawang iba pa.

Isa sa mga biktima ay tatlong araw pa lamang na ipinanganak na nagtamo ng sugat sa katawan.

Sinabi ni New York Police Assistant Chief Juanita Holmes, nagtangkang magpakamatay ang suspek matapos ang ginawa nitong pangyayari.


Kaagad namang dinala sa ospital ang 52-anyos na babaeng suspek matapos nitong laslasin ang kanyang pulso.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa ginawang krimen.

Facebook Comments