Mariing kinondina ng white house ang tangkang pang-aatake sa pamamagitan ng pagpapadala ng bomba kina dating U.S. President Barack Obama at dating first lady Hillary Clinton.
Ayon kay White House Secretary Sarah Sanders – maituturing itong isang uri ng terorismo.
Sinigurong papanagutin nila ang mga nasa likod ng insidente.
Ipinaalam na rin nila ang ulat kay U.S. President Donald Trump.
Tiniyak din ni U.S. Vice President Mike Pence na makakasuhan ang mga nasa likod nito.
Facebook Comments