NAGBANTA | Gambling establishment sa Boracay, sunugin – PRRD

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal ng casino sa bansa.

Ito ay kasabay ng pagbubukas ng Boracay bukas, October 26.

Nais din ng Pangulo na sunugin ang mga gambling establishment sa isla.


Dagdag pa ng Pangulo – hindi siya pabor sa online bingo at iba pang uri ng gambling.

Inakusahan din ni Duterte ang ilang casino financiers sa ilang criminal activities.

Samantala, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na legally feasible para sa Duterte administration ang pag-ban ng casino operations sa Boracay.

Facebook Comments