WORLD RECORD | Indian martial artist, nakuha ang record sa pinakamaraming nahiwang pakwan sa ibabaw ng tiyan

India – Isang Martial artist mula sa India ang nakasungkit ngayon ng bagong record sa Guinness World.
Nakuha ni Vispy Jimmy Kharadi ang record sa pinaka-maraming nahiwang pakwan na nasa ibabaw ng kaniyang tiyan.
Sa tulong ng kasama nitong si Vispi Baji Kasad, aabot sa 49 na pakwan ang nahiwa sa pamamagitan ng 3-inch katana sa loob lamang ng isang minuto.
Sinasabing inabot ng ilang buwan na pagpa-praktis ang dalawa kung saan sinuguro ni Baji na hindi magkakaroon ng anumang sugat o damage ang kaibigang si Jimmy habang ginagawang sangkalan ang tiyan nito.

Facebook Comments