India – Nasungkit ngayon ng dalawang magkaibigan sa India ang Guinness World Record sa pinakamaraming diamond na nailagay sa isang singsing.
Sinasabing nagtulong sina Vishal Agarwal at Khushbu Agarwal para mailagay sa 18 karat na mala-lotus flower na singsing ang nasa 6,690 cuts ng mga diamonds.
Aabot naman sa 58 grams ang bigat nito kung saan aabot sa $4,116,787.00 (P220,155,477.00) ang halaga nito.
Tinalo nito ang dating Trecot ng Savio jewelry’s peacock ring noong 2015 na may 3,827 na diamonds lamang.
Facebook Comments