WORLD RECORD | Pinakamatagal na ikot ng fidget spinner sa isang daliri, nasungkit ng isang kumpaniya sa Japan

Panghimagas – Matapos makuha ang record sa pinakamaliit na fidget spinner sa buong mundo nakasungkit muli ng panibagong record ang kumpaniyang misubishi precision company limited.

Ito ay ang pinakamatagal na pag-ikot ng isang fidget spinner sa isang daliri.

Sa tulong ng design na ginawa ng Menebea-Mitsumi incorporation, nakagawa sila ng fidget spinner na tumagal ang ikot sa loob ng 24 minuto at 46.34 segundo.


Tinalo nito ang dating record ng spinner craft na may 20 minuto lamang.

Sinasabing aabot sa 50 na tao ang nagtulong-tulong para magawa ang fidget spinner ito habang inabot naman ng anim na buwan na pag-aaral para magawan ng paraan kung paano tatagal ang ikot nito.

Facebook Comments