Puspusang muli ang nagiging paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng world renowned Bangus Festival na gaganapin sa ika-30 ng Abril ngayong taon, saklaw pa ang ilang aktibidad bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang.
Isa sa highlight ng Bangus Festival ay ang Gilon Gilon ed Baley na tagisan ng galing sa sayaw ng mga kalahok mula sa tatlumpu’t-isang mga barangay sa Dagupan City na magaganap na sa April 14, araw ng Biyernes sa oras na alas tres ng hapon sa Downtown area ng lungsod.
Matatandaan na noong nakaraan ay dumalaw ang event management team na Cebu Sinulog Creative Team upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa magiging organisasyon, disenyo at konsepto ng Bangus Festival.
Asahan ang limang orihinal na dance steps na gagamitin na ng bawat kalahok sa Gilon Gilon ed Dalan na maituturing na unique o kakaiba sapagkat taglay ng mga naturang dance steps ang mga aksyon kung paano magharvest ang mga mangingisda ng mga bangus na siyang pangunahing produkto ng Dagupan at isa sa mga hanapbuhay ng mga Dagupeño.
Kaugnay ng preparasyon ukol dito ang pagpupulong na naganap ng mga katuwang na ahensya ng LGU Dagupan na pinangungunahan ng Bangus Festival Executive Committee na siyang tututok sa mga aktibidad at aasahang daloy na mga programa ng mga Dagupenos upang makapagbigay ng isang masaya at makabuluhang pagdiriwang para sa lahat. |ifmnews
Facebook Comments