Kasabay na ng pagtatapos ngayong araw ng World Teachers’ Day, sabay-sabay na nagpatunog ng kampanilya ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teacher (ACT) sa gate ng Araneta Coliseum.
Mensahe ito sa Duterte administration na nagtapos na ang ibinigay nilang deadline sa pag-aantay ng mga guro na aksyunan ng Pangulo ang sana ay dagdag na pasahod upang makaramdam ng ginhawa ang mga guro sa gitna ng pumapalong antas ng inflation.
Nakatakdang magmartsa ang mga guro patungong Mendiola para magsagawa ng kilos protesta.
Tinatayang nasa sampung libong guro mula sa ibat-ibang schools division sa Maynila ang makikibahagi sa kilos protesta.
Kabilang sa mga demands ng ACT ay ang sobra-sobrang work load na labas na sa trabaho ng mga guro.
Facebook Comments