WORLD TEACHERS’ DAY | MRT at LRT, may libreng sakay para sa mga guro ngayong araw

Mayroong libreng sakay ang Light Rail Transit O LRT-2 at Metro Rail Transit o MRT-3 para sa mga guro ngayong araw bilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng “World Teachers’ Day.”

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, ang mga guro ay libreng makakasakay sa kanilang mga tren mula 4:30 ng madaling araw hanggang 10:30 ng gabi.

Sa abiso naman ng MRT-3, ang libreng-sakay para sa mga teacher ay mula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.


Kailangan lamang na ipakita ng mga guro ang kanilang school o faculty ID, DepEd ID o PRC license ID.

Facebook Comments