World’s heaviest carrot – nasungkit ng giant vegetable gardener sa USA

USA – Record holder bilang pinakamabigat na carrot sa buong mundo ang tanim ni Christopher Qualley, ang sikat na giant vegetable gardener sa Minnesota.

May bigat na mahigit sampung kilo o halos 23 pounds ang tinagurian ngayong giant carrot ng Guinness.

Ayon kay Qualley, sikreto niya sa pagpapalaki ng mga gulay ang maganda at matabang lupa sa kanilang bakuran.


Pero sa halip na kainin, balak niya na itanim ulit ang carrot para maglabas ng buto na pwede niya ring ipamigay sa mga giant grower sa buong mundo.

Masayang-masaya naman si Qualley dahil matapos ang dalawang beses na pagtatangka, sa wakas ay nakuha niya rin ang nasabing titulo.

Sunod na target niya ang world title para sa pinakamabigat na kalabasa at kamatis.

Facebook Comments