WORST SCHOOL SHOOTING INCIDENT | 17, patay sa isang eskwelahan sa Florida

180

Florida – Umabot na sa 17 ang patay sa pamamaril ng 19-anyos na lalaki sa Marjory Stoneman Douglas High School sa Parkland, Florida.

Kwento ng mga mag-aaral, alas 4:00 kaninang madaling araw (oras dito sa Pilipinas) nang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril.

Karamihan sa mga namatay ay mga kapwa estudyante ng suspek na si Nikolas Cruz.

Nangyari ang insidente ilang linggo matapos na ma-expel sa nasabing eskwelahan ang suspek matapos siyang patawan ng disciplinary action.

Ito na ang ikatlo sa itinuturing na “Worst School Shooting Incident” sa kasaysayan ng Amerika.

Facebook Comments