WPS | DFA, hawak na ang kopya ng MOU ukol sa joint oil and gas exploration

Hawak na ng Department of Foreign Affairs o DFA ang kopya ng Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay ng joint oil and gas exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Secretary Teddy Boy Locsin, nakasaad sa kasunduan na kailangang bumuo ang Pilipinas at China ng inter-governmental joint steering committee.

Nakapaloob rin aniya sa kasunduan ang mga pwede at hindi pwedeng gawin ng dalawang bansa.


Sabi ni Locsin ang China National Offshore Oil Corporation ang lalahok sa exploration habang ang Philippine National Oil Company ang kinatawan ng Pilipinas para rito.

Pero giit ni Energy Secretary Alfonso Cusi, wala pang magaganap na joint exploration sa ngayon.

Facebook Comments