WPS issue, dapat nang talakayin sa National Security Council

Nagtungo sa Senado si dating Senator Rodolfo Biazon at kanyang hinikayat ang mga senador na ipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-convene sa National Security Council o NSC.

Ito ay para makabuo ang gobyerno ng klaro at unified stand o nag-iisang posisyon kaugnay sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) dahil hindi maaaring mag-isa lang ang Pangulo sa pagpapasya kung ano ang dapat gawin at polisya hinggil dito.

Diin pa ni Biazon, nakasasalay sa WPS isyu ang pambansang seguridad at food security kaya mapanganib ang nakakalito at magkakaibang pahayag ng Pangulo, mga miyembro ng gabinete, mga mambabatas at mga eksperto.


Babala ni Biazon, baka maguluhan din ang mga kaalyado nating bansa at baka dahil sa kalituhan ay gumawa ng agresibong hakbang ang China.

Facebook Comments