WPS, pag-aari ng mga Pinoy; Verbal agreement sa China, hindi dapat mabanggit sa SONA

Pinaaalahanan ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagkapanalo ng Pilipinas sa International Arbitral Tribunal na nagbasura sa pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Morales – ang West Philippine Sea ay pag-aari ng mga Pilipino.

Nagbabala naman si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio – hindi dapat mabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang verbal agreement nila ni Chinese President Xi Jinping kung saan pinayagan ang mga Tsino sa Reed Bank na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.


Paalala pa ni Carpio – walang ibinigay na kapangyarihan sa Pangulo ang konstitusyon para isuko ang soberenya ng Pilipinas.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ‘valid’ at ‘binding’ na ang kasunduan.

Pero para kina Cabinet Secretary Karlo Nograles at DFA Secretary Teddy Locsin Jr. na walang bisa ang anumang verbal agreement.

Facebook Comments