Manila, Philippines Malabong giyerahin ng China ang Pilipinas sakaling magprotesta ang bansa hinggil sa ginagawang militarisasyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Prof. Jay Batongbacal, Direktor ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea – mahalaga ang protesta para mapangalagaan ang legal rights ng Pilipinas sa teritoryo nito.
Dagdag pa ni Prof. Batongbacal – may ibang bansa nga gaya ng Indonesia, Malaysia at Vietnam ang nagpapasabog pa ng bangka ng Tsina pero wala namang nangyaring giyera.
Kung tutuusin, ang mga bansang ito pa aniya ang may mas malaking pakinabang sa China kumpara sa Pilipinas.
Samantala, matatandaang sinabi noon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na marami nang naihaing protesta ang Pilipinas laban sa ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Pero si Prof. Batongbacal, duda raw dahil sa paiba-ibang deklarasyon sa bilang ng umano ay naihaing protesta ng DFA.